Thursday, September 17, 2015

Random Thoughts... #1 [ FAN WAR ]

Random Thoughts... #1 

FAN WAR

(well... this thing has been going on for.....FOREVER! as in! hanggang sa mga lola ng lola natin ata.. magmula nauso ang mga IDOL, CELEBRITIES, ARTIST o kung ano mang tawag sa tao or org/group na may FAN.)

At ang ganitong banggaan ay sadyang NAKAKALOKA! NAKAKA-BOTHER! as in OMG!!!!



Isa sa pinaka-maiinit na FAN WAR ngayon ay ang fans ng ALDUB at It's Showtime PASTILLAS GIRL (Nasaan ka Mr.Pastillas?) Grabe ang digmaan sa social media. nakakaloka!
At nagsulputan ang mga BASHERS sa buong mundo na maka-react WAGAS!


For me kasi, anu kayang nahihita nila? Well, naiintindihan ko yung part na may itinatapat sa favorite mong celebrity or love team, nakakainis yung feeling na yon! Especially if may hindi ka magandang naririnig db? mapapa BEAST MODE ka talaga! I know that feeling.. 'coz like them.. I'm a fan too!
Pero hindi naman ako nakiki-bash sa kakompetensya ng iniidolo q.. At lalong hindi rin naman ako naninira ng kapwa..maka-angat lang ang iniidolo ko.

Bakit kasi kailangan pang magpalitan ng hindi magagandang komento? At gawing issue ang isang bagay na hindi naman ka-issue issue! DUH! There are more problems sa bansa na dapat mas pagtuunan ng pansin, but no! mas may time sila mag-post na kanya kanyang komento at paninirang puri sa social media.

CHILL GUYS! First and for most, normal sa bawat TV station ang magtapatan. Kanya kanyang gimmick to gain popularity at maka-angat sa ratings.
SANA ALAM NG MGA TAONG TO NA HINDI NAMAN SILA SINUSWELDUHAN SA PAGKOKOMENTO AT PAGPOPROMOTE NG PROGRAMA NG BAWAT ISTASYON SA TV!

Even mga noon time show, gayahan lang naman ng gayahan. So what? Wala tayong karapatan na sabihin na nanggaya tong program na ito or itong program na ito ang orig. Hello?! Pare-pareho lang naman yan. It's Showtime man o Eat Bulaga, I think same naman silang may ginayang segment sa bawat isa. (I'll clarify this.. not necessarily na ginaya talaga as in, but maybe kumuha ng idea. parang yun ang mas magandang term)

What I don't like about Eat Bulaga? Yung mga pag-popost ni Mr.Joey de Leon ng mga bagay na nag-poprovoke sa mga fans para lalong mainis. He is a celebrity, dapat isa sya sa pumagitan sa mga nangyayaring Fan War sa  fans ng EB at Showtime. Instead, he keeps posting "patama" tweets, ,na hindi natin pwedeng gamitin ang katagang "bato bato sa langit ang tamaan - umilag na lang". Alam naman natin kung sinong tinutukoy nya dito. Anu bang problema nya? eh milyon milyon na nga tweets ng ALDUB eh at sobrang taas ng rating. The good thing about Showtime hosts? They never said anything against the other program, in fact nagagawa pa nga nilang banggitin ang EAT BULAGA sa show nila, and they are even greeting some hosts ng EB na nag-cecelebrate ng bday (like Vic). Why? because they respect the other program kasi alam nila na institusyon na sa industriya ang programang katapat nila. Kahit may segment sila na mukhang nagaya ng EB, hindi sila nag post or nag-comment ng masama about it. Sana isa ito sa makitang reason ng EB or ni Mr.de Leon para maging maayos ang mga ginagawa nyang tweets.
Disclaimer: Hindi po ako galit kay Mr.Joey de Leon kung yan ang tingin nyo. Hindi ko lang gusto yung ginagawa nyang tweets. Lalo pang napo-provoke yung fans na maghurementado. tsk.tsk.tsk

I really think there's no need na mag-tweet pa ng mga ganito ganito. It will just provoke other fans. They think its ok to give bad comment or to bash kasi ginagawa ng iniidolo nila.


Mr. Joey de Leon's son even tweeted this, I hope ginagawa to ng mga fans. Kaso HINDI!
I am not being bias here guys. I'm just saying this para makita sana na kung tutuusin hindi naman to malalang issue na kailangan pang gawing big deal.
Actually, I am a fan of both It's Showtime and ALDUB. Parehong nagbibigay saya at kilig sa pananghalian ko ang bawat isang programa! And I swear! Nahihilo yung TV namin kaka-lipat lipat ko ng channel. Kapag commercial break sa isa, ililipat ko sa kabila, kapag medyo matumal ang eksena sa kabila, ililipat ko sa kabilang programa. Ganun lang.

I don't know both Ms. Pastillas and Yaya Dub personally. And honestly, mas kilala ko si Yaya Dub because of her Dubsmah videos, but this Ms.Pastillas (I really don't know anything about her, ni hindi ko nga napanood yung viral video nya sa Facebook). But still natutuwa aq sa segment ng Showtime na Nasaan ka Mr.Pastillas. Nakaka-awa lang sya na sobrang pangit at negative yung ibang comments sa kanya  ng ibang bashers or fans ng Aldub.
Sana respeto na lang guys, wala namang ginawang masama sa inyo yung tao para 'lapastanganin' nyo sa mga comments nyo.
I know how pretty and smart si Maine Mendoza and I really like her because of her videos (sinabi q na kanina noh? ako ng paulit ulit), at suuuuper kilig ako sa kanila ni Alden!

Kaya hindi ko magets kung bakit ako nagagawa ko namang kiligin at mapanood storya ng bawat isang karakter sa iba't ibang programs ng hindi nang-babash at nananakit ng damdamin ng mga fans nila.
And hello again guys! Ano bang pinaglalaban nyo? Eh mukhang wala ngang issue or ni hindi man lang magkakilala si Maine at Angelica (a.k.a Ms.Pastillas).


ISA PA SA HINDI NATATAPOS NA FAN WAR?
Ano pa nga ba? kundi ang JADINE at KATHNIEL


 Yung nauna, kahit papaano maiintindihan mo. Kasi nga magkaibang istasyon, magkaibang programa. Pero this?! I don't get it.
Ano bang pinag-huhurementado ng fans nila?
Duh.. eh pareho namang kapamilya!
Sabi nga ni Mr.Boy Abunda - "competition is good". Pero yan healthy competition daw! Hindi competition na puro bashing at giyera sa social media.

Ako I love both of them. May kanya kanya naman silang forte when it comes to shows or acting. Yung Kathniel wholesome pa, Ang Jadine, medyo sexy (na hindi naman malaswa) kasi parehas na silang nasa right age.

I even made videos sa Youtube.

 For JADINE Fans ----- For KATHNIEL Fans

DANIEL PADILLA Fans - - - - JAMES REID Fans

KATHRYN Fans - - - - - - - - - - NADINE Fans


Kaya bakit hindi na lang magsuportahan yung fans ng dalawang love team na to? Same network naman. Magkasunod ang mga teleserye nila. Kathryn even said before na may "awkwardness" sa kanila ni Nadine, kasi hindi pa nga nag-memeet in person, nagkaka-issue na because of fans. So awkward nga talaga.
You see guys? Kahit walang issue, nagkakaron, dahil sa mga aggressive posts and comments natin sa social media.



Isa pa nga din sa nakiki Fan War yung fans ng LIZQUEN.





 Liza Soberano even "deactivated" her twitter or maybe nagpahinga muna is the right term. Because hindi nya din nagugustuhan ang nagiging bashing sa isa't isa ng mga fans nila at fans ng ibang Love Teams. She even admitted na may kinausap syang isang fan about sa nagiging issue.

Videos for:


LIZA SOBERANO Fans  - ENRIQUE GIL Fans


===============================================================


Kaya..muli...
pag-isipang maigi mga comments at awayang nagaganap. Again. Wala kayong sweldo sa ginagawa nyo. Sila lang ang yumayaman kayo hindi!



#REALTALK
#JUSTSAYING
 \m/



Disclaimer: I do not own any of the photos that was used. Credits to the owners.


THANK YOU!!! :)


Wednesday, September 16, 2015

Student Life



Pano nga ba maging isang estudyante? Anong feeling? Masaya ba? Stressful?


Well, for me...I can say na one of the happiest moment sa life ko is nung student pa ako.
You know that feeling? Kasama mo mga kaibigan mo (or sa mga jologs..TROPA mo). Mga nakasama mo sa mga kalokohan mo at pati mga nakaka-stress na love life mo nung nag-aaral ka pa. Tama! Sila yung mga Tropa mo na naging classmate mo nung nag-aaral ka pa, na later on, magiging friendship mo for life, kahit pag naka-graduate na kayo at may kanya-kanya ng pamilya. Ninong or Ninang ka pa ng magiging anak. :)



Elementary Days - - sus naman, ano bang masasabi mong exciting? Hello! eto yung time na pinaka-MATINO ka pa siguro. Hindi ka pa na-eexpose masyado sa mga kalokohan. (well during our time ha...or yung generations before us, ngayon kasi.... ewan ko na lang. Masyado ng advance ang technology, masyado ng expose ang kabataan ngayon sa iba't ibang bagay)
Anyways, going back to the topic.
Nung elementary ka, iiwan kayo ng teacher mo..tapos ipapa-kopya yung madaming pages sa libro. Syempre may dakilang secretary na magsusulat sa blackboard tapos kayo dapat kopyahin nyo, tapos ichecheck ni Ma'm bago kayo umuwi. (badtrip! ansakit kaya sa kamay!) - - ako dati pag sobrang haba, nilalakta-laktawan ko ng bongga! katwiran kko.."eh hindi naman iisa-isahing basahin ni Ma'm yung pinakopya nya noh) #PARAPARAAN hahaha
O kaya naman, usong uso ang naglilista ng NOISY sa blackboard or papel. (pag nalista ka, bayad piso or dos)
Pag break time, may kanya kanyang tray bawat classroom. Syempre naka-toka jan yung cleaners for the day. And speaking of cleaners (hanggang high school naman may ganyan ata)
Pero nung time na to, naglalakihang cellphone pa ang uso (with matching antenna pa yan)
Kapag ikaw may ganyan noon.. WOW! Ikaw ng mayaman! haha
Tapos pa-uwian naglalaro kayo ng Langit Lupa at Piso-Piso, and don't forget.. tagu-taguan. Meron ding piko, Chinese garter at ang paborito ng mga batang babae noon na "from the x" (sorry guys..hindi ko knows ang spelling..) HAHA
----well ganyan nung panahon namin ha, ngayon kasi puro iPad at touch screen na cellphones na gamit nga mga bata.. kahit hindi pa nag-aaral. NAKAKALOKA!

Ganito kame nung elementary! Ganito kame noon!
Hindi pa kasi uso ang mga gadgets.
Simple lang ang kaligayahan ng kabataan noon :)


Eh pano naman ang HIGH SCHOOL LIFE?
-para sa akin, feeling ko, eto pinaka-masaya (hindi ko naman sinasabi na hindi masaya ang college life, baka naman magtampo mga tropapipz nung college..hehe)
Nasabi ko lang na masaya kasi..bakit?
Aminin naman natin na yang time na yan, pwedeng pwede ka pa pumetiks. Hindi pa uso jan ang thesis at hindi masyadong pressure unlike sa college...pero uso na syempre ang Kopyahan! LOL
Jan ka na magsstart maexpose sa mga kalokohan... tipong cutting classes.. boycott sa klase.
Kanya kanyang grupo kayo nyan. At syempre umpisa na yan ng mga kilig kilig, at ligawan portion. Ang mga lalake, pabida na yan at pagandahan ng mga GF..sabay tanungan pa if naka-score na ba (yan! jan kayo magaling!) Yung mga babae naman, usapang boys. Kinkilig kilig pa habang kinukwento ang mga crush nila or nanliligaw sa kanila.
Nauso na din jan mga "txtmate" at "clan" (tapos EB "eye ball" pag may time ano?) kalurkey!
Karamihan sa amin dati mga cellphone..3310 or 1100, bihira pa ang may camera ang phone, at lalong wala pang touchscreen. Pag may camera phone mo dati "sosyal ka!" haha
Eto yung time na pinaka-sikat pa ang NOKIA at SONY ERICSSON na phones! LOL
Tapos ang mga tugtugan dati? Kilala mo ba si Usher? Eh si R Kelly? si Nelly? si Ja Rule? Missy Elliott? Ashanti? Usong uso din syempre ang mga banda...as in "band" hindi boyband ha..band!
Tipong...Fall Out Boy, Linkin Park, The Red Jumpsuit Apparatus, U2, tapos isa sa pinaka-sikat noon na Black Eyed Peas at ang kanta nilang Where is the Love?
Madami kaya magandang kanta noon..like, Burn by Usher, Mesmerize ni Ja Rule, Work It ni Missy Elliott, Like You by Bow Wow & Ciara, at Hot in Herre by Nelly.
Nakakatuwang balikan yang mga tugtugan na yan. Actually madami pa yan..halos lahat nga ata kasama pa din sa Playlist ng phone q. LOL

so true!


Tapos yung iba, excited! Gusto nila mag-college na!
feeling ata nila, ang ASTIG! tipong pag college ka na..You can do anything you want!
Well, akala nyo lang yon noh! Like I said earlier, hindi ka na basta basta makaka-petiks. Super pressure ka na..and of course HELLO THESIS!!! HELLO EYE BAGS!!! HELLO TUITION FEE
GANITO ANG NANGYAYARI SA BUHAY KOLEHIYO!!! hahaha
(and hindi lang sa taga University syempre, kahit ordinaryong colleges! ganito noh!) LOL


(ngarag nanaman ang parents...tapos makakakuha ka ng SINGKO at INC tapos hindi ka gagradute? IYAK!)
Pero eto yung time na nauso na ang mga high-tech na cellphone (pero madami pa din or should I say sikat pa din ang Nokia, until dumating ang mga Android phones at kauna-unahang iPhone)


Those are the things na uso (nung panahon namin.. syet!) at mga usual na nangyayari...so now, as you read this blog. Gusto ko maalala mo mga pinagdadaanan mo when you were a student mapa-highschool man o college. Share ko na din mga kaganapan, if you don't mind. Blog ko naman to di ba? lol :P


KWENTONG HIGH SCHOOL

Nung high school ako, dito ko din na-experience ang mga kalokohan (gaya nga ng sabi ko kanina, paulit ulit?).  1st year - kabado but at the same time excited...kasi after 6 years in Elem. finally! new environment, new friends... Pero aminin..nakakapanibago, nakaka-miss yung mga dati mong classmate, especially if you came from a small public school, malamang classmates mo karamihan from Gr.1 to Gr.6

First day sa school as a high school student, feeling OP "out of place" (madami sa kanila dati ng magkakakilala), iisang school lang ng nanggaling. But I still tried to fit in. Sa una, kiyeme, tahimik (pakitang tao lang? haha) then later on, as I got to know them, lumabas na ang pagiging madaldal. And I had this friend na super kasundo ko. Lagi kame magkasama, she even share her problems with me (sya lang.. wala naman kasi ako problema..WOW db?! haha) And we have this weird kwentuhan.. about sa mga kababalaghan and witchcraft (pero hindi kame mangkukulam ha! wag judgmental! Uso po kasi dati yung W.I.T.C.H na magazine) and we both loooooove ANIME! as in!
Same kame na mahilig mag-drawing (kahit pa NO TALENT! bakit? masama? :P) And we even love writing "novel" kuno. Then after namin magsulat, mag-eexchange kame ng stories na ginawa. Pero she transferred nung 2nd year high school na kame, so panibagong pakikipagkilanlan. Hindi ko na kasi classmate yung mga ka-close ko nung 1st yr.. saaaaad! :(

So I met this girls (itago natin sa pangalang Leah --magaaway kasi kayo pag tinawag mo sya sa real name nya na Leonora, Aiko--na classmate ko nung 1st yr and twin sister, Roxanne and Airah--ang pinaka matangkad! EH DI KAYO NA!) :D
And guess what? It's been 8 years since we all graduated from high school but we are still friends, kahit pa nagaaway paminsan minsan. SILA lang! Kahit maldita ako, bihira ako may makaaway na friend eh.. naks! charinggera! XD

At syempre.....kulang ang buhay high school pag walang CRUSH!
at masakit kapag crush mo hindi ka type! Sabi nga sa libro ni Ramon Bautista Bakit Hindi ka Crsuh ng crush mo?
nakaka-peste yang ganyang feeling! pero ok na rin... atleast naexperience mong kilig-kiligin.
Nakakainis lang kapag yung crush mo may kasamang iba.
And syempre, para-paraan....kesyo "May I Go Out" ang drama, madaanan lang ang room ni crush.
Aasarin ng mga tropa kapag anjan na sya.
At sa highschool uso ang pagsisinungaling..... lalo na kapag may "txtmate" or chatmate tapos tinanong age mo, sasabihin mong 17 or 18 kahit 14 yrs old ka pa lang! I should know, nagawa ko din yan noh. hahaha
Nagmamadaling magsipag dalaga or binata (nakaka-excite ba?) Nakaka-excite kasi yung feeling na legal age ka na, at wala na "daw" masyadong bawal. sussss.... EH NGAYON? huh! pag tinanong ka ng age? sasabihin 20 kahit 24 na! Nagpapabata na di ba? haha
I think isa yan sa pinagka-pareho ng mga kabataan noon at ngayon... Nagmamadaling tumanda.. but believe me.. Kapag umakyat na sa twenty ang age mo, hihilingin mo sana na-stuck na age mo sa 18. LOL

                         Commercial Break:   

Ay naman! Ang hirap na nga manghula ng sagot. I-explain pa kaya?
At lalong mahirap to kung kinopya mo lang ang sagot! syet! LOL

============================================================


And isa pa pala! Isang kalokohan nung high school (na nagawa nila..ako hindi! College ko na kasi nagawa. hahaha) Yun ay ang pumasok ng lasing or naka-inom (RATED PG...Mga bata, Wag tularan! Ito ay hindi tama!)
I remember may isa pa kong classmate nung 4th yr ako...may baong Tanduay na lapad sa school... tapos nakalagay sa bag nyang Elmo (ng sesame streets) NAKAKALOKA!
Tapos tinikman isa-isa dun sa may......(di ko matandaan if Math garden ba o Science garden..basta dun!)

Of course, ang never natin malilimutan? Yung Pag-aaksaya ng pera! WHY?
simple lang! Gumagastos pa tayo sa agbili ng mga notebooks? Eh sa 1st grading lang naman yan may sulat or a month after pasukan, tapos? Wala na! tatamarin na! Hanggang sa mga scratch paper na lang nagsusulat..Pero ang notebook puro drawing, FLAMES at kung ano anong nakasulat. Di ba? XD
Isa pa pala ay ang PAPEL!!! Isa sa problema yan!
Kapag sumigaw na si teacher ng "get 1 whole sheet of pad paper", ang paglingon KALIWA'T KANAN sabay sabi ng pahingi! Kaya kung ikaw may dalang madaming papel! Good luck! At wag ka na rin magtangkang magdamot! Kung ayaw mong mabully sa buong school year!
Isa pang sigaw! " get 1/4 sheet or 1/2 sheet of pad paper"
Ang estudyante, maparaan! hati hatiin ang one whole sheet gamit ang ruler or kadalasan I.D or kung dugyot...pwede ring gamitin ang laway. haha!

Eh yung may dala kang "chichirya" sa classroom? Pag yan umikot..Pls lang! Wag mo ng asahan na pag bumalik yan, may laman pa! :D



At syempre! Isa sa hindi natin makakalimutan sa high school?
Anu pa nga ba? Eh di yung mga naging teachers!!!!
Aminin...pag nagkakasama-sama kayo ng mga dating classmates, bukod sa kalokohan, isa sa magiging topic nyo at pagtatawanan ay ang mga teachers nyo dati at ang experience nyo with them. Tama? (guilty ako dito. hahaha)

May teacher ba kayong anlakas maka bad vibes? eh favorite teacher?
Umpisahan natin sa mabait na guro, Yung chill lang, madaling pakiusapan. Ako favorite teacher ko nung high school yung adviser namin nung 1st year. Wala ko masabi, mabait na, mataas pa magbigay ng grade. I can't believe na nakaka 88 ako sa Algebra! Over!
Eh yung sinasabi kong teacher na lakas maka-bad vibes? Aysauce! madami yan!
May teacher kami dati nung 2nd yr na nag-shoshower ang umuupo sa harap, tapos tawang tawa kame kasi bet nya ata yung isa naming classmate! Ang tanda na eh, gumaganon pa? haha
After nya magturo, susunod sa klase nya eh yung teacher naman naming malupit mag-drawing/painting, na kapag overtime na si Ma'm Shower eh magpaparamdam na sya sa corridor na para bang ligaw na kaluluwa (eh super payat pa naman sya) Parang antaba kong nilalang di ba at maka-payat ako sa teacher naming to HAHA

May teacher ba kayo na suuuper husky ng voice? at kapag na-late ka..sisigawan kayo ng "Mga Elemento!" at "o eto na pala ang mga Superstar!" NAKAKALOKA di ba?! hahaha

I disagree! Kapag nagtatawag si teacher, dapat ka makipag eye to eye sa kanya!
Dahil ang tatawagin nyan yung kunwari busy at umiiwas ng tingin!
Expert Student Tip 101
hahaha



 Ano pa ba? Ahmmm...

Ah! Eh yung teacher na may kinikilingan. In short - - bias! Like what I experienced before, inagaw ng classmate kong lalake yung papel na pinagpaguran ko (pinagaguran kong hingiin sa kaklase.) Syempre agawan mode kame, pag tingin nya sa amin, sabi nya itigil daw. At dahil bet nya si guy na classmate. Ako pa ang sinita! nakakaloka! ASAN ANG HUSTISYA??!!

Eh pano naman yung teacher na laging may plus (+) ka "daw" sa grade, sa bawat sama mo sa field trip o pagsali mo sa mga anik anik sa school.
Yung teacher na walang ibang ginawa kundi i-compare kayo sa hawak nyang section. Tapos ikukulong pa kayo sa classroom, at bawal maingay kung ayaw nyo masigawan ng "O MGA TO" mas maganda yan if maririnig nyo sana kung pano nya sabihin yan..laughtrip overload!)

Meron din syempreng teacher na ang tawag ng estudyante ay KURAKOT (taray!... parang pulitiko lang ah) Pero totoo naman talaga. At ito ay hindi paninira, nangyayari talaga sa realidad.
Hmmmm... may teacher nga kame na bawat kibot - -  bayad. kesyo bibili ng mamahaling kurtina para sa classroom, at subukan mong ma-late sa pagpasa ng requirements like (sulatin or burador) asahan mong CAKE o pagkain katapat nyan. Ayaw mo bumagsak? O madali naman kausap yang teacher mo... sya na bahala sa requirements na ipapagawa nya. Yan nga! Cake, kahit anong pagkain, i-print mo project ng anak nya at ifolder (na nakaka-leche kasi ang printing noon 10.00 or 15.00 pag colored). Na hanggang sa graduation naniningil ng "CLASS FUND".. Seryoso?! class fund?! eh kinukuha na nga ang toga! (well, hindi ka makakakuha ng toga mo at year book kapag hindi ka bayad sa lintik na class fund na yan!) Baka suportahan nya si Binay sa Presidential Election. hahahaha!


At ang PINAKA sa lahat?
Syempre yung mga kaklase mo mismo!
Sinong bully? at sinong biktima?
Pinaka-patok sa estudyante (lalo na sa public) well, i'm not sure, never naman akong nag-private, malay ko ba. ay ang KOPYAHAN! 
NAMAN! SYANG TUNAY!
Kailangan sa mga oras na yan...ikaw ay isang MATANGLAWIN!
hahaha
Akala ng teachers magaling sila manghuli.. nako.nako. Dear teachers....ang estudyanteng desperadong pumasa wag nyo iismolin, hindi nyo alam kung papaano ang kaya nyang gawin.
Example? May nasa ballpen ang sagot or formula, may nasa likod ng necktie, may pumupuslit pa sa cellphone. Yung iba sinusulat sa mismong palad or mismong desk.
Bawal open notes pag exam? tsk.tsk.tsk
may isa or dalawang nag-oopen notes, and the rest? eh di bantay! bantay sa may bintana, nanghahaba ang leeg baka dumating si teacher. Ang nasa Row 4 nakakarating ng Row 1 makakopya lang ng sagot, At kung ikaw magdadamot sa pagpapakopya??? Good luck!
Baka masabihan ka ng "O MAUNA KA NG GRUMADUATE!" "KUNIN MO NA ANG TOGA AT MAG-MARCHA KA NA" hahaha!
Ang tunay na magkaka-klase.. walang iwanan! sa hirap at ginhawa..sama sama! sabi nga PAK 1 PAK ALL! Ang manlaglag PATAY! :P



Isa ding PINAKA?
Ang mga estudyante, mabibilib ka. Nag-aaral pa lang doctor na! Hindi lang doctor.. magician pa! Akalain mong ang blangkong papel, nagkakaron ng sagot! Aba matinde!
Kaya ang teachers..dapat, kayo na nag-checheck ng papel ng estudyante nyo. Gustong gusto ng estudyante kapag sinabi ng teacher na "exchange paper with your seatmate" or ipapamigay ang papel para chekan, sasabihin pa ng teacher "wag ibigay sa may-ari". sus! wa-epek yan!
Hindi ibibigay sa may-ari, pero sa ka-tropa OO!
Kapag ang tamang sagot ay letter 'd' pero ang sagot sa papel ay letter 'c'..alam na this!
Eh di walang babagsak! Masaya nanaman ang mga mahal nilang estudyante. LOL
Kaya ang pinaka-ayaw na exam ng students ay ESSAY, o kaya True or False pero may nakalagay na "IF FALSE, WHAT IS THE RIGHT ANSWER?" o kaya may nakalagay sa test paper na EXPLAIN! (potek naman! anung malay mo di ba? o kinopya nga lan eh di ba?!) at sa Math exam may nakalagay na SHOW YOUR SOLUTION! (badtrip naman men!) Kaya iwanan na lang na blangko, at si tropa na ang bahala kapag nag-check ng test papers! Yahoooo!!!!

Aynako! pag kayo ng mga dati mong classmates, nagsama sama, paniguradong magiging topic nyo talaga yang mga ganyang kaganapan! Pero salamat sa ganitong mga pangyayari atleast may pinagtatawanan di ba?! hahaha


Pero hindi ko naman sinasabi na tama yan, syempre alam nating MALI. Pero nagawa na eh. nangyari na. Hindi man magandang example sa mga kabataan. Pero..hello naman! Kahit mga mas matatandang batch sa amin pinagdaanan yan at paniguradong nangyayari pa rin hanggang sa mga estudyante ngayon! SWEAR!!! :D

Tuesday, June 14, 2011

PALAWAN

 No to Mining in Palawan
Are you willing to help PALAWAN???

Visit this site and sign up now!

http://www.no2mininginpalawan.com

tnx guyz... 0.o






 
HELP PALAWAN...HELP MOTHER EARTH...