Pano nga ba maging isang estudyante? Anong feeling? Masaya ba? Stressful?
Well, for me...I can say na one of the happiest moment sa life ko is nung student pa ako.
You know that feeling? Kasama mo mga kaibigan mo (or sa mga jologs..TROPA mo). Mga nakasama mo sa mga kalokohan mo at pati mga nakaka-stress na love life mo nung nag-aaral ka pa. Tama! Sila yung mga Tropa mo na naging classmate mo nung nag-aaral ka pa, na later on, magiging friendship mo for life, kahit pag naka-graduate na kayo at may kanya-kanya ng pamilya. Ninong or Ninang ka pa ng magiging anak. :)
Elementary Days - - sus naman, ano bang masasabi mong exciting? Hello! eto yung time na pinaka-MATINO ka pa siguro. Hindi ka pa na-eexpose masyado sa mga kalokohan. (well during our time ha...or yung generations before us, ngayon kasi.... ewan ko na lang. Masyado ng advance ang technology, masyado ng expose ang kabataan ngayon sa iba't ibang bagay)
Anyways, going back to the topic.
Nung elementary ka, iiwan kayo ng teacher mo..tapos ipapa-kopya yung madaming pages sa libro. Syempre may dakilang secretary na magsusulat sa blackboard tapos kayo dapat kopyahin nyo, tapos ichecheck ni Ma'm bago kayo umuwi. (badtrip! ansakit kaya sa kamay!) - - ako dati pag sobrang haba, nilalakta-laktawan ko ng bongga! katwiran kko.."eh hindi naman iisa-isahing basahin ni Ma'm yung pinakopya nya noh) #PARAPARAAN hahaha
O kaya naman, usong uso ang naglilista ng NOISY sa blackboard or papel. (pag nalista ka, bayad piso or dos)
Pag break time, may kanya kanyang tray bawat classroom. Syempre naka-toka jan yung cleaners for the day. And speaking of cleaners (hanggang high school naman may ganyan ata)
Pero nung time na to, naglalakihang cellphone pa ang uso (with matching antenna pa yan)
Kapag ikaw may ganyan noon.. WOW! Ikaw ng mayaman! haha
Tapos pa-uwian naglalaro kayo ng Langit Lupa at Piso-Piso, and don't forget.. tagu-taguan. Meron ding piko, Chinese garter at ang paborito ng mga batang babae noon na "from the x" (sorry guys..hindi ko knows ang spelling..) HAHA
----well ganyan nung panahon namin ha, ngayon kasi puro iPad at touch screen na cellphones na gamit nga mga bata.. kahit hindi pa nag-aaral. NAKAKALOKA!
![]() |
Ganito kame nung elementary! Ganito kame noon!
Hindi pa kasi uso ang mga gadgets.
Simple lang ang kaligayahan ng kabataan noon :)
|
-para sa akin, feeling ko, eto pinaka-masaya (hindi ko naman sinasabi na hindi masaya ang college life, baka naman magtampo mga tropapipz nung college..hehe)
Nasabi ko lang na masaya kasi..bakit?
Aminin naman natin na yang time na yan, pwedeng pwede ka pa pumetiks. Hindi pa uso jan ang thesis at hindi masyadong pressure unlike sa college...pero uso na syempre ang Kopyahan! LOL
Jan ka na magsstart maexpose sa mga kalokohan... tipong cutting classes.. boycott sa klase.
Kanya kanyang grupo kayo nyan. At syempre umpisa na yan ng mga kilig kilig, at ligawan portion. Ang mga lalake, pabida na yan at pagandahan ng mga GF..sabay tanungan pa if naka-score na ba (yan! jan kayo magaling!) Yung mga babae naman, usapang boys. Kinkilig kilig pa habang kinukwento ang mga crush nila or nanliligaw sa kanila.
Nauso na din jan mga "txtmate" at "clan" (tapos EB "eye ball" pag may time ano?) kalurkey!
Karamihan sa amin dati mga cellphone..3310 or 1100, bihira pa ang may camera ang phone, at lalong wala pang touchscreen. Pag may camera phone mo dati "sosyal ka!" haha
Eto yung time na pinaka-sikat pa ang NOKIA at SONY ERICSSON na phones! LOL
Tapos ang mga tugtugan dati? Kilala mo ba si Usher? Eh si R Kelly? si Nelly? si Ja Rule? Missy Elliott? Ashanti? Usong uso din syempre ang mga banda...as in "band" hindi boyband ha..band!
Tipong...Fall Out Boy, Linkin Park, The Red Jumpsuit Apparatus, U2, tapos isa sa pinaka-sikat noon na Black Eyed Peas at ang kanta nilang Where is the Love?
Madami kaya magandang kanta noon..like, Burn by Usher, Mesmerize ni Ja Rule, Work It ni Missy Elliott, Like You by Bow Wow & Ciara, at Hot in Herre by Nelly.
Nakakatuwang balikan yang mga tugtugan na yan. Actually madami pa yan..halos lahat nga ata kasama pa din sa Playlist ng phone q. LOL
![]() |
| so true! |
Tapos yung iba, excited! Gusto nila mag-college na!
feeling ata nila, ang ASTIG! tipong pag college ka na..You can do anything you want!
Well, akala nyo lang yon noh! Like I said earlier, hindi ka na basta basta makaka-petiks. Super pressure ka na..and of course HELLO THESIS!!! HELLO EYE BAGS!!! HELLO TUITION FEE
![]() |
| GANITO ANG NANGYAYARI SA BUHAY KOLEHIYO!!! hahaha (and hindi lang sa taga University syempre, kahit ordinaryong colleges! ganito noh!) LOL |
(ngarag nanaman ang parents...tapos makakakuha ka ng SINGKO at INC tapos hindi ka gagradute? IYAK!)
Pero eto yung time na nauso na ang mga high-tech na cellphone (pero madami pa din or should I say sikat pa din ang Nokia, until dumating ang mga Android phones at kauna-unahang iPhone)
Those are the things na uso (nung panahon namin.. syet!) at mga usual na nangyayari...so now, as you read this blog. Gusto ko maalala mo mga pinagdadaanan mo when you were a student mapa-highschool man o college. Share ko na din mga kaganapan, if you don't mind. Blog ko naman to di ba? lol :P
KWENTONG HIGH SCHOOL
Nung high school ako, dito ko din na-experience ang mga kalokohan (gaya nga ng sabi ko kanina, paulit ulit?). 1st year - kabado but at the same time excited...kasi after 6 years in Elem. finally! new environment, new friends... Pero aminin..nakakapanibago, nakaka-miss yung mga dati mong classmate, especially if you came from a small public school, malamang classmates mo karamihan from Gr.1 to Gr.6
First day sa school as a high school student, feeling OP "out of place" (madami sa kanila dati ng magkakakilala), iisang school lang ng nanggaling. But I still tried to fit in. Sa una, kiyeme, tahimik (pakitang tao lang? haha) then later on, as I got to know them, lumabas na ang pagiging madaldal. And I had this friend na super kasundo ko. Lagi kame magkasama, she even share her problems with me (sya lang.. wala naman kasi ako problema..WOW db?! haha) And we have this weird kwentuhan.. about sa mga kababalaghan and witchcraft (pero hindi kame mangkukulam ha! wag judgmental! Uso po kasi dati yung W.I.T.C.H na magazine) and we both loooooove ANIME! as in!
Same kame na mahilig mag-drawing (kahit pa NO TALENT! bakit? masama? :P) And we even love writing "novel" kuno. Then after namin magsulat, mag-eexchange kame ng stories na ginawa. Pero she transferred nung 2nd year high school na kame, so panibagong pakikipagkilanlan. Hindi ko na kasi classmate yung mga ka-close ko nung 1st yr.. saaaaad! :(
So I met this girls (itago natin sa pangalang Leah --magaaway kasi kayo pag tinawag mo sya sa real name nya na Leonora, Aiko--na classmate ko nung 1st yr and twin sister, Roxanne and Airah--ang pinaka matangkad! EH DI KAYO NA!) :D
And guess what? It's been 8 years since we all graduated from high school but we are still friends, kahit pa nagaaway paminsan minsan. SILA lang! Kahit maldita ako, bihira ako may makaaway na friend eh.. naks! charinggera! XD
At syempre.....kulang ang buhay high school pag walang CRUSH!
at masakit kapag crush mo hindi ka type! Sabi nga sa libro ni Ramon Bautista Bakit Hindi ka Crsuh ng crush mo?
nakaka-peste yang ganyang feeling! pero ok na rin... atleast naexperience mong kilig-kiligin.
Nakakainis lang kapag yung crush mo may kasamang iba.
And syempre, para-paraan....kesyo "May I Go Out" ang drama, madaanan lang ang room ni crush.
Aasarin ng mga tropa kapag anjan na sya.
At sa highschool uso ang pagsisinungaling..... lalo na kapag may "txtmate" or chatmate tapos tinanong age mo, sasabihin mong 17 or 18 kahit 14 yrs old ka pa lang! I should know, nagawa ko din yan noh. hahaha
Nagmamadaling magsipag dalaga or binata (nakaka-excite ba?) Nakaka-excite kasi yung feeling na legal age ka na, at wala na "daw" masyadong bawal. sussss.... EH NGAYON? huh! pag tinanong ka ng age? sasabihin 20 kahit 24 na! Nagpapabata na di ba? haha
I think isa yan sa pinagka-pareho ng mga kabataan noon at ngayon... Nagmamadaling tumanda.. but believe me.. Kapag umakyat na sa twenty ang age mo, hihilingin mo sana na-stuck na age mo sa 18. LOL
Commercial Break:
![]() |
| Ay naman! Ang hirap na nga manghula ng sagot. I-explain pa kaya? At lalong mahirap to kung kinopya mo lang ang sagot! syet! LOL |
============================================================
And isa pa pala! Isang kalokohan nung high school (na nagawa nila..ako hindi! College ko na kasi nagawa. hahaha) Yun ay ang pumasok ng lasing or naka-inom (RATED PG...Mga bata, Wag tularan! Ito ay hindi tama!)
I remember may isa pa kong classmate nung 4th yr ako...may baong Tanduay na lapad sa school... tapos nakalagay sa bag nyang Elmo (ng sesame streets) NAKAKALOKA!
Tapos tinikman isa-isa dun sa may......(di ko matandaan if Math garden ba o Science garden..basta dun!)
Of course, ang never natin malilimutan? Yung Pag-aaksaya ng pera! WHY?
simple lang! Gumagastos pa tayo sa agbili ng mga notebooks? Eh sa 1st grading lang naman yan may sulat or a month after pasukan, tapos? Wala na! tatamarin na! Hanggang sa mga scratch paper na lang nagsusulat..Pero ang notebook puro drawing, FLAMES at kung ano anong nakasulat. Di ba? XD
Isa pa pala ay ang PAPEL!!! Isa sa problema yan!
Kapag sumigaw na si teacher ng "get 1 whole sheet of pad paper", ang paglingon KALIWA'T KANAN sabay sabi ng pahingi! Kaya kung ikaw may dalang madaming papel! Good luck! At wag ka na rin magtangkang magdamot! Kung ayaw mong mabully sa buong school year!
Isa pang sigaw! " get 1/4 sheet or 1/2 sheet of pad paper"
Ang estudyante, maparaan! hati hatiin ang one whole sheet gamit ang ruler or kadalasan I.D or kung dugyot...pwede ring gamitin ang laway. haha!
Eh yung may dala kang "chichirya" sa classroom? Pag yan umikot..Pls lang! Wag mo ng asahan na pag bumalik yan, may laman pa! :D
At syempre! Isa sa hindi natin makakalimutan sa high school?
Anu pa nga ba? Eh di yung mga naging teachers!!!!
Aminin...pag nagkakasama-sama kayo ng mga dating classmates, bukod sa kalokohan, isa sa magiging topic nyo at pagtatawanan ay ang mga teachers nyo dati at ang experience nyo with them. Tama? (guilty ako dito. hahaha)
May teacher ba kayong anlakas maka bad vibes? eh favorite teacher?
Umpisahan natin sa mabait na guro, Yung chill lang, madaling pakiusapan. Ako favorite teacher ko nung high school yung adviser namin nung 1st year. Wala ko masabi, mabait na, mataas pa magbigay ng grade. I can't believe na nakaka 88 ako sa Algebra! Over!
Eh yung sinasabi kong teacher na lakas maka-bad vibes? Aysauce! madami yan!
May teacher kami dati nung 2nd yr na nag-shoshower ang umuupo sa harap, tapos tawang tawa kame kasi bet nya ata yung isa naming classmate! Ang tanda na eh, gumaganon pa? haha
After nya magturo, susunod sa klase nya eh yung teacher naman naming malupit mag-drawing/painting, na kapag overtime na si Ma'm Shower eh magpaparamdam na sya sa corridor na para bang ligaw na kaluluwa (eh super payat pa naman sya) Parang antaba kong nilalang di ba at maka-payat ako sa teacher naming to HAHA
May teacher ba kayo na suuuper husky ng voice? at kapag na-late ka..sisigawan kayo ng "Mga Elemento!" at "o eto na pala ang mga Superstar!" NAKAKALOKA di ba?! hahaha
![]() |
I disagree! Kapag nagtatawag si teacher, dapat ka makipag eye to eye sa kanya!
Dahil ang tatawagin nyan yung kunwari busy at umiiwas ng tingin!
Expert Student Tip 101
hahaha
|
Ano pa ba? Ahmmm...
Ah! Eh yung teacher na may kinikilingan. In short - - bias! Like what I experienced before, inagaw ng classmate kong lalake yung papel na pinagpaguran ko (pinagaguran kong hingiin sa kaklase.) Syempre agawan mode kame, pag tingin nya sa amin, sabi nya itigil daw. At dahil bet nya si guy na classmate. Ako pa ang sinita! nakakaloka! ASAN ANG HUSTISYA??!!
Eh pano naman yung teacher na laging may plus (+) ka "daw" sa grade, sa bawat sama mo sa field trip o pagsali mo sa mga anik anik sa school.
Yung teacher na walang ibang ginawa kundi i-compare kayo sa hawak nyang section. Tapos ikukulong pa kayo sa classroom, at bawal maingay kung ayaw nyo masigawan ng "O MGA TO" mas maganda yan if maririnig nyo sana kung pano nya sabihin yan..laughtrip overload!)
Meron din syempreng teacher na ang tawag ng estudyante ay KURAKOT (taray!... parang pulitiko lang ah) Pero totoo naman talaga. At ito ay hindi paninira, nangyayari talaga sa realidad.
Hmmmm... may teacher nga kame na bawat kibot - - bayad. kesyo bibili ng mamahaling kurtina para sa classroom, at subukan mong ma-late sa pagpasa ng requirements like (sulatin or burador) asahan mong CAKE o pagkain katapat nyan. Ayaw mo bumagsak? O madali naman kausap yang teacher mo... sya na bahala sa requirements na ipapagawa nya. Yan nga! Cake, kahit anong pagkain, i-print mo project ng anak nya at ifolder (na nakaka-leche kasi ang printing noon 10.00 or 15.00 pag colored). Na hanggang sa graduation naniningil ng "CLASS FUND".. Seryoso?! class fund?! eh kinukuha na nga ang toga! (well, hindi ka makakakuha ng toga mo at year book kapag hindi ka bayad sa lintik na class fund na yan!) Baka suportahan nya si Binay sa Presidential Election. hahahaha!
At ang PINAKA sa lahat?
Syempre yung mga kaklase mo mismo!
Sinong bully? at sinong biktima?
Pinaka-patok sa estudyante (lalo na sa public) well, i'm not sure, never naman akong nag-private, malay ko ba. ay ang KOPYAHAN!
![]() |
| NAMAN! SYANG TUNAY! Kailangan sa mga oras na yan...ikaw ay isang MATANGLAWIN! hahaha |
Akala ng teachers magaling sila manghuli.. nako.nako. Dear teachers....ang estudyanteng desperadong pumasa wag nyo iismolin, hindi nyo alam kung papaano ang kaya nyang gawin.
Example? May nasa ballpen ang sagot or formula, may nasa likod ng necktie, may pumupuslit pa sa cellphone. Yung iba sinusulat sa mismong palad or mismong desk.
Bawal open notes pag exam? tsk.tsk.tsk
may isa or dalawang nag-oopen notes, and the rest? eh di bantay! bantay sa may bintana, nanghahaba ang leeg baka dumating si teacher. Ang nasa Row 4 nakakarating ng Row 1 makakopya lang ng sagot, At kung ikaw magdadamot sa pagpapakopya??? Good luck!
Baka masabihan ka ng "O MAUNA KA NG GRUMADUATE!" "KUNIN MO NA ANG TOGA AT MAG-MARCHA KA NA" hahaha!
Ang tunay na magkaka-klase.. walang iwanan! sa hirap at ginhawa..sama sama! sabi nga PAK 1 PAK ALL! Ang manlaglag PATAY! :P
Ang mga estudyante, mabibilib ka. Nag-aaral pa lang doctor na! Hindi lang doctor.. magician pa! Akalain mong ang blangkong papel, nagkakaron ng sagot! Aba matinde!
Kaya ang teachers..dapat, kayo na nag-checheck ng papel ng estudyante nyo. Gustong gusto ng estudyante kapag sinabi ng teacher na "exchange paper with your seatmate" or ipapamigay ang papel para chekan, sasabihin pa ng teacher "wag ibigay sa may-ari". sus! wa-epek yan!
Hindi ibibigay sa may-ari, pero sa ka-tropa OO!
Kapag ang tamang sagot ay letter 'd' pero ang sagot sa papel ay letter 'c'..alam na this!
Eh di walang babagsak! Masaya nanaman ang mga mahal nilang estudyante. LOL
Kaya ang pinaka-ayaw na exam ng students ay ESSAY, o kaya True or False pero may nakalagay na "IF FALSE, WHAT IS THE RIGHT ANSWER?" o kaya may nakalagay sa test paper na EXPLAIN! (potek naman! anung malay mo di ba? o kinopya nga lan eh di ba?!) at sa Math exam may nakalagay na SHOW YOUR SOLUTION! (badtrip naman men!) Kaya iwanan na lang na blangko, at si tropa na ang bahala kapag nag-check ng test papers! Yahoooo!!!!
Aynako! pag kayo ng mga dati mong classmates, nagsama sama, paniguradong magiging topic nyo talaga yang mga ganyang kaganapan! Pero salamat sa ganitong mga pangyayari atleast may pinagtatawanan di ba?! hahaha
Pero hindi ko naman sinasabi na tama yan, syempre alam nating MALI. Pero nagawa na eh. nangyari na. Hindi man magandang example sa mga kabataan. Pero..hello naman! Kahit mga mas matatandang batch sa amin pinagdaanan yan at paniguradong nangyayari pa rin hanggang sa mga estudyante ngayon! SWEAR!!! :D









No comments:
Post a Comment